Kilig na kilig sa BF mo, Vice… Ion, pinagkakaguluhan ng mga babae sa shooting
- Nitz Miralles
- Nov 19, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ma pelikula na rin pala si Ion Perez, ang boyfriend ni Vice Ganda.
Sa nakita naming BTS ng shooting ng Mang Kepweng 2 na pinagbibidahan pa rin ni Vhong Navarro, kasama sa cast si Ion at kung ‘di kami nagkakamali ay first movie ito ni Kuya Escort.
Sa napanood naming video, ang daming tumatawag kay Ion sa shooting at kilig na kilig ang mga babae sa kanya. Hindi pa alam kung ano ang role ni Ion sa Mang Kepweng 2.
Ang nakita pa lang naming kasama sa cast ay sina Benjie Paras at Barbie Imperial.
Gumaganda ang career ni Ion at ngayon ay hindi lang sa It’s Showtime siya mapapanood. At least, hindi na masasabi ng iba na dahil lang kay Vice kaya nagka-career si Ion.
Box-office hit ang Mang Kepweng 1 na pinagbidahan din ni Vhong at sa unang Mang Kepweng pa lang, sinabi nang magkakaroon ng part two at heto na ‘yun, medyo natagalan lang.





Comments