top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kahit pasado na raw sa mga anak niya… Aiko, aminadong may sabit pa ang BF na Vice-Gov. kaya di siya

  • Vinia Vivar
  • Nov 19, 2019
  • 2 min read

Kamakailan lang ay ipinagdiwang nina Aiko Melendez at Zambales Vice-Governor Jay Khonghun ang 2nd anniversary nila. Nag-cruise sila sa New Zealand at tumuloy sa Sydney, Australia.

Sabi ni Aiko, love talaga nila ang mag-travel together dahil bukod sa way of bonding nila ay dito raw nila mas nakikilala ang isa’t isa.

“So, kami, we do a lot of travel because that’s our way of getting to know each other. And then, kung kaya ba naming i-push ang limits ng isa’t isa, kung hanggang saan.

“And so, ‘yung travel na ‘yan is a sign also na kaya pala naming pagdaanan at pagtiisan ang isa’t isa,” natatawang sabi ni Aiko nang makausap namin sa

taping ng Prima Donnas, ang comeback serye niya sa GMA-7.

Through travelling ay nalaman niyang napakagulo pala sa kuwarto ng BF niya.

“Naiirita lang ako minsan kasi ano ako, eh, medyo OC (obsessive-compulsive) po ako sa gamit, eh. ‘Di ba, ‘pag lalaki, kalat-kalat?” kuwento ni Aiko.

Ang ayaw naman daw ni VG Jay na ugali niya ay ang pagtulog with wet hair.

“Kasi ako, no matter how pagod ako, naliligo talaga ako lagi. Kaya lang, ‘pag naliligo ako, hindi ko na natutuyo ang buhok ko, so matutulog ako’ng basa.

So, minsan, ayaw niya. Sabi niya, ‘Ano ba ‘yan, maliligu-ligo ka, ‘di mo tutuyuin ang buhok mo?’ Mga ganu’n,” natatawa pa ring kuwento ng aktres.

Ayaw daw ni boyfie na ‘pag yayakapin siya ay basang-basa ang unan niya.

Pero grabe rin daw talaga ang pasensiya at pagmamahal ni Vice-Gov. Jay sa kanya. Tulad na lang kapag nagugutom daw siya ay gumagawa ito ng paraan para mabilhan siya ng food.

Nang matanong kung wala pa ba silang plano to settle down, ayon sa aktres ay napag-uusapan na rin nila pero may kailangan pa raw ayusin si Jay.

“There’s still some things that he needs to fix on his side. Ako kasi, wala naman akong problema, so I am just waiting. Pero du’n din naman papunta ‘yun,” she said.

Kailan niya nakikita ang sarili na lalagay na muli sa tahimik? “Siguro in two years’ time,” ani Aiko.

Ready na ba siya?

“Oo naman. Kasi lahat naman ng qualities ng pagkakaroon ng asawa, na kay VG naman. At saka ang hirap na magsimula ulit. To think na magkasundo ang bawat pamilya namin, I mean, okay ako sa pamilya niya, siya rin, okay sa mga anak ko. So, wala naman akong nakikitang problema kung ‘di ‘yung ano niya, ‘yung kailangan niyang ayusin,” aniya.

Samantala, sa Prima Donnas ay ginagampanan ni Aiko ang papel na kontrabida bilang si Kendra. Pinagbibidahan ito ng tatlong Kapuso young stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo na napapanood sa afternoon slot ng GMA-7.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page