Huwag magmadali, esep-esep muna... Dapat tandaan sa pagbili ng bagong gadget
- No Problem ni Ms. Hiraya
- Nov 19, 2019
- 2 min read
No Problem

Kaliwa’t kanan na naman ang mga bagong model at mas magagandang mga cellphone at gadget kaya for sure, natutukso ka nang bumili. Aminin!
Oks lang namang bumili kung afford mo at ‘yun ang trip mo, pero bukod sa mga ito, anu-ano pa ang mga bagay na dapat mong ikonsidera?
1. REVIEWS. Ito ang isa sa mga paraan para makita o mapag-aralan ang features ng cellphone na gusto mong bilhin. Nakatutulong din ito para sa iyong decision-making dahil kadalasan, ang thoughts nu’ng nag-review ng gadget ang nagiging basehan kung itutuloy mo ang pagbili nito.
2. PRESYO. Naku, ayan na! Bukod sa specs at features ng cellphone o gadget, ito talaga ang tinitingnan natin. Agree? Rito na papasok kung kasya sa budget, kering pag-ipunan o kung puwedeng pass muna kung hindi pa talaga afford. Gayundin, mga besh, huwag lang basta tingnan kung gaano kataas o kababa ng presyo dahil minsan, mura nga ang cellphone, hindi naman maganda ang kalidad o madalas mo rin namang ipare-repair dahil mabilis masira. Oks din naman ‘yung medyo mahal basta worth it ang quality.
3. KAILANGAN BA? Minsan, kapag may bagong labas na cellphone, gusto agad natin itong bilhin, lalo na kung magaganda ang specs nito at wala sa kasalukuyang phone natin at madalas, kahit hindi kailangan ay binibili natin ito. Mga besh, kapag may bagong model ng phone, hindi mo naman ito kailangang bilhin agad, lalo na kung hindi pa ito kasama sa listahan ng iyong mga priorities.
4. KERI BA NG HULUGAN? Sa panahon ngayon, napakarami nang installment at 0% interest promos sa mga cellphone at gadget kaya nagiging mas madali ang bumili o mag-upgrade nito. Pero mga besh, hindi porke hulugan ay basta-basta ka na lang mag-a-avail. Dapat mo ring ikonsidera kung keri mo itong hulugan buwan-buwan dahil kapag hindi, lagot ka na.
Mga bessy, hindi natin maitatanggi na nakakatuksong mag-upgrade ng cellphone kahit hindi pa natin kailangan, lalo na kung magaganda ang features nito at kung puwede namang installment.
Pero kung hindi mo pa naman talaga kailangan, huwag kang magmadali dahil puwede mo itong gawin sa takdang panahon. Gets mo?





Comments