top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Hindi na hapi at bored na sa mister kaya napanaginipan ang bestfriend na magiging future lover

Socrates Magnus
Nov 19, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jolly ng Jolly_Jolly@face-book.com

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko? Nanaginip ako na may pinuntahan kaming pabrika ng mister ko, tapos hinahanap namin ‘yung tatay ko, pero hindi namin nakita at biglang may bumati sa akin, ‘yung bestfriend ko na lalaki.

Naging mag-bestfriend kami nu’ng hayskul pa kami at tinanong niya kung sino ang kasama ko?

Sinagot ko naman siya na kasama ko ang asawa ko, pero wala siyang imik at hindi na kami pinansin.

Tapos, umalis na kami ng bestfriend ko, kaso may malaking butiki sa daraanan namin kaya sinabi ko sa kanya na natatakot akong dumaan dahil takot ako sa butiki.

Sabi niya, “Ako’ng bahala sa iyo. Poprotektahan kita!” Nakadaan kami at yakap-yakap niya ako.

Sa totoo lang, nagtapat siya na may nararamdaman siya para sa akin.

Gayundin, isang taon nang patay ang misis niya at ako ang nagiging iyakan niya mula nang mawala ang misis niya, pero sinabi niya na wala siyang balak na guluhin ang buhay at pamilya ko. Hindi ko na-man siya iniisip, pero nagtataka ako kung paano siya napunta sa panaginip ko? Sana ay masagot ninyo ang katanungan ko.

Naghihintay, Jolly

Sa iyo Jolly, Una, mali ang paniniwala mo na kung sino ang nasa isip mo ay siya lang ang mapananaginipan mo. Ang ikalawang mali ay hindi totoo na hindi mo iniisip ‘yung bestfriend mo dahil ang lahat ng nangyayari sa tao ay nagdaan sa kanyang isipan.

Gayundin, kahit ang lahat ng kanyang nakikita, naririnig at nasasalat ay malalagay sa kanyang isipan.

Ang totoo, siya na bestfriend mo ay hindi naiisip ng iyong conscious mind, pero siya ay naiisip ng iyong unconscious mind.

At dahil siya ay lumabas sa iyong unconscious mind, muli, hindi totoo na siya ay hindi naging laman ng iyong isipan.

Pero bakit nagkainteres sa kanya ang iyong unconscious-self? ‘Yan ang ating pagtuunan ng pansin. Ayon sa panaginip mo, hindi na masaya ang marriage life mo.

Kulang na kulang na sa thrill, suspense, excitement, drama and action. Ganyan ang buhay ng tao kapag ang isa o ilan sa mga nasabi ay nawala o kinulang, siya ay maghahanap ng mga kakulangan.

Dahil dito, ang nakita ng unconscious-self mo na puwedeng mapagkunan ng mga pagkukulang sa buhay mo ay ang iyong bestfriend. Ito ang sagot sa panaginip mo kung saan naroon ang bestfriend mo.

Malakas at makapangyarihan ang unconscious mind dahil gagawa siya ng nakamamanghang bagay na bukas-makalawa ay magkakaroon kayo ng ugnayan ng bestfriend mo at ikaw ay muling sasaya.

Mahirap paniwalaan, pero ito ang sinasabi ng iyong panaginip.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page