top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Bangkay ng negosyante natagpuan sa balon

Pabs Hernandez III
Nov 19, 2019
1 min read

CAMARINES NORTE — Isang negosyante ang natagpuang patay kamakalawa na nakalutang sa balon sa Bgy. Banocboc, Vinzons.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonathan Umerez, nakatira sa nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, ilang kamag-anak ni Umerez ang nakatagpo sa bangkay ng biktima na nakalutang sa nasabing balon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, posible umanong walang nakakita nang aksidenteng mahulog sa balon ang biktima kaya ito nalunod.

Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang malaman kung may naganap na “foul play” sa pagkamatay ng biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page