2 dedbol, 1 sugatan sa motor vs. motor
- Pabs Hernandez III
- Nov 19, 2019
- 1 min read
QUEZON — Dalawa katao ang namatay at sugatan naman ang isa pa nang aksidenteng magkabanggaan ang dalawang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Calwit, San Narciso.
Ang mga biktimang nasawi ay sina Jerwin Carabot at Mark Jovel Abejuela, samantalang, ang sugatan ay si Blademmer Culla, pawang residente sa naturang lalawigan.
Batay sa imbestigasyon, habang minamaneho ni Carabot ang kanyang motorsiklo at kaangkas si Abejuela ay aksidenteng nakabanggaan nila ang kasalubong na motorsiklong minamaneho ni Culla.
Dinala ng mga saksi ang tatlong biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival sina Carabot at Abejuela.
Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya sa naganap na aksidente.





Comments