top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms

1 patay, 1 grabe sa pamamaril

  • Pabs Hernandez III
  • Nov 19, 2019
  • 1 min read

NORTH COTABATO — Patay ang habal-habal driver habang nasa malubhang kalagayan naman ang pasahero nitong estudyante sa naganap na pamamaril ng mga hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. Tacupan, Carmen.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Abil Sambatuwa, samantalang, ang sugatan ay si Horhani Sandigan, estudyante sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, habang minamaneho ni Sambatuwa ang kanyang motorsiklo ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad itong pinagbabaril sa ulo at dahil dito, tinamaan ng ligaw na bala sa katawan si Sandigan.

Nang makaalis ang mga salarin ay dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Sambatuwa.

Inaalam na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pagpatay kay Sambatuwa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page