top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

NU, back-to-back champ sa ’82 UAAP Cheerdance

A. Servinio/MC
Nov 18, 2019
2 min read

Ikalawang diretsong titulo ang muling nasungkit ng National University Pep Squad makaraan ang makapigil-hiningang stunts sa UAAP Season 82 Cheerdance Competition kahapon sa MOA Arena. Balot ng mga kulay ng Pilipinas, malinis kumilos ang NU patungo sa kanilang ika-anim sa korona sa huling pitong taon.

Muling napa-wow ng Sampaloc-based cheerdancers ang lahat ng manonood na para kay coach Ghicka Bernabe ay handog niya ito sa lahat ng Pinoy fans ng cheerdance.

Nagkapeon sa group stunts category ang NU at nakatanggap ng P50,000 cash prize, bukod sa P60,000 mula sa sponsors at P100,000 each para sa accident insurance.

Ang NU Pep ang ikawalo at huling performer sa annual event na ipinalabas ng live sa ABS-CBN S+A Channel 23. “Eight is better than one pagdating sa performance. Somehow nung na-experience namin as first performers before, kahit gaano kami kahanda, I can’t control the emotions of my kids, I can’t control yung scenario,” ayon kay NU Pep head coach Bernabe.

Nakakuha ng 722.0 puntos mula sa hurado ang NU kumpara sa 706.0 ng FEU. Malayo ang Adamson na may 658.5 puntos at bumaba ito dahil sa 12 nilang mga penalty.

“Pinili namin ang tema dahil SEA Games na,” wika ni Coach Bernabe. Mas dikit ang resulta ng Group Stunts Competition kung saan nanaig muli ang National sa pangalawang sunod na taon sa kanilang 237 puntos. Pangalawa ang FEU (223.0) at pangatlo ang Adamson (206.0).

Samantala, hinakot din ng National ang mga awards mula sa sponsors na Best Pyramids, Best Stunts at Best Tosses.

Napunta sa FEU ang Best Moves. Habang ang Adamson University Pep Squad na tumersera puwesto noon ay nag-2nd runner up na at nakatanggap ng bronze medal at P15,000 at iba pang cash prize mula sa sponsors.

Ang last season runner up na Far Eastern University Cheering Squad na ika-5 performer ay naka-silver medal at first runner up sa group stunts competition na may P30,000 cash prize at dagdag pa ang P90,000 mula sa mga sponsors.

Unang sumalang ang De La Salle Animo Squad kasunod ang UE Pep Squad, UP Pep Squad at Ateneo Blue Babble Battalion, sumunod ang UST Salinggawi Dance Troupe bago pa ang NU.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page