top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kalabang si Apple Chiu, mas bet ng mga hurado… Ethel, nanalo lang sa TNT dahil sa text votes

  • Janice DS Navida
  • Nov 18, 2019
  • 2 min read

Photo: Tawag ng Tanghalan

Nineteen years na pala sa music industry si Apple Chiu, ang magaling na singer na isa sa mga nakalaban ni Ethel Booba sa huling tapatan ng Tawag ng Tanghalan para mag-forward sa grand finals round ng Celebrity Edition.

Kung voice quality lang din ang pagbabasehan, walang kuwestiyon na magaling si Apple, kaya nga ayan, mina-manage na siya ngayon ng Pinoy Academy at Philippine Idol graduate na si Miguel Mendoza since matagal na rin naman silang magkaibigan.

At kahit sa huling tapatan nina Ethel at Apple sa TNT Celebrity Edition, ang huli ang naging top favorite ng mga hurado, kaso nagkataon na si Ethel ang panalo sa text votes kaya siya ang nag-advance sa grand finals.

Nang mahingan namin ng reaksiyon si Apple, aniya, magaling naman din talaga si Ethel kaso nu’ng time na ‘yun, aminado raw ang singer-comedienne na wala sa kondisyon ang boses niya kaya ‘di niya naibigay nang todo ang kanyang performance.

Ayaw na rin naman nang kuwestiyunin ni Apple ang criteria ng TNT sa pagpili ng winners, pero aniya, kung siya ang tatanungin, since nagdya-judge rin naman daw siya ng mga amateur singing contest, ‘yung text votes ay dapat special award na lang para kumbaga, hindi unfair ang laban.

Most of the time nga naman kasi, kahit magaling ang singer, kung mas maraming fans at malakas sa text votes ‘yung kalaban, wala rin, talo rin.

Pero kahit natalo sa unang pagsali, inamin ni Apple na join pa rin siya sa resbak round ng TNT kung saan halo na yata ng mga ordinary at celebrities ang contestants sa pakontes ng It’s Showtime.

Well, baka naman this time, palarin na talaga si Apple Chiu. Good luck, girl!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page