top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ginto at pilak, tinuhog ng FENCING sa Taiwan

Gerard Arce
Nov 18, 2019
2 min read

Tumusok ng 3 medalya ang Philippine Fencing National team kabilang ang gold medal sa ginaganap na 20th National New Fencing Championships, Taipei Fencing Open sa Taipei City Stadium sa Taiwan.

Dinaig ng 22-anyos na graduate ng Sports and Wellness Management ng University of Santo Tomas ang crowd-favorite na si Xu Wei Wei ng Taipei City, 15-5 upang makuha ang gintong medalya sa Men’s Epee (men’s sharp sword).

Dumaan sa matinding pagsubok ang Valenzuela City-native laban sa 112 fencers mula sa Taipei at Hong Kong para paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa simula Nob. 30-Dis 11.

“Sobrang saya po kasi magandang experience sya kasi malakas na competition ito tapos andaming kalaban, so andami kong pinagdaanan bago makuha yung gold medal,” pahayag ni Jose sa panayam ng BULGAR sa messenger.

“Pero hindi rin po kasi kami talaga naka-focus sa game na ito kasi po parang last competition/tune-up game namin ito in preparation for the upcoming SEA Games.

Sabi ng head coach namin kahit ano daw po mangyari sa competition na ito okay lang po, ang mahalaga raw po makita namin kung gaano na kami ka-ready sa SEA Games,” dagdag nito.

Napunta ang bronze medal kina Xie Yi ng Kaohsiung City Modern Pentathlon Association at Chen Zonglin ng Taipei City Zhongzheng High School. Tumapos ang SEAG -bound na sina Joshua Darylle Lumahan sa ika-7th spot at Reynaldo Perez Jr sa 15th place.

Nakuntento si Allaine Nicole Cortey sa silver medal sa women’s Saber nang talunin ni Peng ZiShan ng Taoyuan City Sports Association Fencing Committee sa iskor na 12-15, habang nakuha ng teammate na si Jylyn Nicanor ang unang bronze medal habang ang ikalawa ay kay Chen Zonglin ng Taipei City Zhongzheng High School.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page