Bulacan, dinale ang Pasay sa 2 OT; Easy wins sa Bacoor at Caloocan

Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League
Nakarekober ang Bulacan Kuyas mula sa bingit ng pagkalaglag ng dalawang beses pero nakaalagwa ng tatlong clutch free throws si Dennis Santos upang talunin ang Pasay Voyagers, 100-98 sa double overtime noong Huwebes sa Maharlika Pilipinas Basketball League Lakan Season sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City.
Tumatrangko sa 67-74 sa natitirang 1:14 minuto, umiskor ang Kuyas ng huling 7 puntos para makapuwersa ng overtime. Naiiwan sa 86-89, sa nalalabing 7.5 segundo, sumandal ang Kuyas sa buzzer-beater three ni Lester Alvarez para mapuwersa sa 2nd overtime.
Habang lamang ang Pasay, 98-97, ibinigay ni Santos kay Rhon Reverente at 5th foul sa tatlong tangka sa huling 27 segundo, at lahat ng free throws sa Bulacan ang nagpaangat sa 13-8 record at malagay sa 5th spot kasama ang Bataan at Pampanga sa North division.
May tsansa ang Pasay na baligtarin ang sitwasyon, pero sumablay ang 3 puntos ni Elmar Moradas sa natitirang 14 seconds kaya dinanas ng Voyagers ang ika-4 na diretsong pagkatalo sa 12-10 card.
Nakagawa si John Rey Alabanza ng 21 points plus 10 rebounds para sa Bulacan, kasunod ni Stephen Siruma na may 13 points, 8 rebounds, 6 assists at 3 steals; si Jhan McHale Nermal ay may 13 points at 8 rebounds at si Alvarez na may 11 points at 5 assists. Ang Voyagers, na umalagwa na sa 46-28, ay may tig-19 puntos mula kina Reverente at Axel Inigo, 18 puntos mula kay homegrown Brian Hilario at 12 kay Moradas.





Comments