10 pasahero, sugatan sa aksidente
- Pabs Hernandez III
- Nov 18, 2019
- 1 min read
Leyte—Sampung pasahero ang sugatan nang aksidenteng bumaligtad ang sinasakyan nilang van kamakalawa sa Bgy. Dayhagan. Ormoc City.
Sa ngayon ay kinikilala pa ng pulisya ang mga pasaherong biktima ng aksidente na pawang ginagamot na sa mga ospital na pinagdalhan sa kanila.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang hindi pinangalanang driver ng van kaya aksidente itong bumaligtad na ikinasugat ng mga pasahero,
Matapos maganap ang aksidente ay mabilis na tumakas ang driver ng van.
Nahaharap ang driver ng van sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury.





Comments