top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mag-utol binoga, 1 patay

  • Pabs Hernandez III
  • Nov 17, 2019
  • 1 min read

QUEZON — Isang tricycle driver ang namatay habang sugatan naman ang nakatatandang kapatid nito nang pagbabarilin sila ng hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Bgy. Malabanban Sur, Candelaria.

Kinilala ang nasawi na si Victor Landicho, 28-anyos, samantalang, ang sugatan ay ang kapatid nitong si Menardo, 38-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.

Batay sa imbestigasyon, habang minamaneho ni Victor ang tricycle at nakasakay ang kapatid nitong si Menardo ay biglang sumulpot ang suspek at agad pinagbabaril ang mga biktima na kapwa tinamaan ng mga bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nang umalis ang suspek ay agad dinala ng mga saksi ang magkapatid sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Victor.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng suspek sa pamamaril sa magkapatid na biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page