JRS Express, mula Batanes hanggang Tawi-Tawi ang serbisyo, 24/7 pa!
Bulgarific

Para kumita, pinasok na rin ng mga negosyante ang pag-o-online selling na kasama na rin sa pag-unlad ng teknolohiya sa ating bansa. Kaya naman, hanap ng mga online sellers ang mapagkakatiwalaan pagdating sa pagpapadala ng kanilang mga produkto dahil marami ang lumalabas na isyu sa mga nagsulputang delivery services. Bukod sa hindi naipadadala on time ay hindi pa maingat sa pag-handle ng mga produkto.

Ngunit, ibahin natin ang JRS Express! Mula noong Dekada ‘60 ay subok nang maaasahan pagdating sa pagpapadala ang JRS Express. Sa dinami-rami ng delivery services ngayon, paano kaya napananatili ng JRS Express ang kanilang magandang serbisyo at pagiging number 1 sa pamilyang Pilipino?

Mula Batanes hanggang Tawi-tawi, mayroon na itong 423 branches sa buong bansa. Maaari tayong makapagpadala rito ng package, documents, pera at marami pang iba.
Hindi lang ‘yan, matutulungan din nila tayo sa paglilipat-bahay gamit ang lipat-bahay service nila! Kaya naman ang mga online sellers all over the country, favorite ang JRS Express dahil may tiwala silang magiging safe at maipadadala on time ang kanilang mga produkto at sa mababang halaga ng shipping fee.
Bukod pa rito, isa sa mga itinatangi ng JRS Express ang pag-aalaga sa kanilang mga empleyado. ‘Ika nga ni John Paul Claparols, Administrative Officer ng JRS Express, “they are our biggest asset, kung wala sila, wala kami.”
Kaya naman ibinibigay nito ang tamang benepisyo, HMOs, company loan at ipinagmamalaki rin nila na walang contractual sa kanilang mga empleyado.
Gayundin, tulad ng mga empleyado nila sa Mindanao na naapektuhan ng lindol, agad nilang tinulungan at binigyan ng sapat na pangangailangan ang mga ito.
Tunay na alagang JRS Express ang mga empleyado nila dahil sa bawat punta natin sa kahit anong branches ay ngiti ng mga ito ang sasalubong sa atin.
Para sa seguridad na matatanggap ng ating pinagpadalhan ang mga package at pera, may matatanggap tayong SMS notification na natanggap na nila ito.
Bukod pa rito, maaari rin nating ma-track ang ating ipinadala sa kanilang website at kung magkaroon man ng problema ay maaari rin tayong mag-message sa kanilang Facebook page na https://www.facebook.com/JRS.Express.OfficialFanPage/ at siguradong agad na may sasagot sa atin.
Ang JRS Express ay nag-o-operate nang 365 days, 24/7. Nagde-deliver din sila tuwing Linggo at holidays! Hindi lang ‘yan, nagpaplano na rin silang magkaroon ng reward card para sa kanilang mga loyalista at pakikipagtulungan sa GCash para maging isa sa mga options ng mode of payment ng kanilang mga customers.
Sa susunod na taon, anim na dekada na ang JRS Express at sinisiguro nila na mas madaragdagan pa ang kanilang mga serbisyo at asahan natin ang kanilang mga pasabog!
“The only measure of success we have as a company is the satisfaction and happiness we give our clients when they receive their packages and letter. We are happy when they are happy. We have been in this business for almost 60 years now. We continue to innovate and upgrade our technology and systems to further cater to the growing industry. We will continue to learn and innovate everyday to give them the best possible experience, quickest possible time with lowest possible price,” saad ni Claparols.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments