2 miyembro ng NPA, nasakote
- Pabs Hernandez III
- Nov 17, 2019
- 1 min read
BUKIDNON — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Tongan-Tongan, Valencia City.
Nakilala ang mga suspek na sina Frederick Tagurda at Pedeng Matikinon, kapwa miyembro ng NPA na nakabase sa naturang lalawigan.
Nabatid na may nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad sa kinaroroonan nina Tagurda at Matikinon kaya agad nagtungo sa lugar ang tropa ng pamahalaan at agad inaresto ang mga suspek.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang kalibre .45 pistola, isang MK-1 fragmentation grenade at mga bala sa pag-iingat ng mga suspek.
Isinasailalim na sa masusing imbestigasyon ang dalawang suspek para madakip ang iba pa nilang kasamahang NPA sa nasabing lalawigan.





Comments