Malas sa pag-a-abroad, mas suwerte sa negosyo sa ‘Pinas
- Maestro Honorio Ong
- Nov 16, 2019
- 2 min read
Maestro Honorio Ong

Katanungan
Tawagin n’yo na lang akong Altea, nakapag-abroad na ako noon kaya lang, hindi ako sinuwerte at hindi pa ako nakakatapos ng kontrata bilang D.H. sa Kuwait dahil nagkaroon ako ng karamdaman kaya umuwi ako.
Mula noon, sinubukan ko ulit mag-apply, pero parang malas ako dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako natatawagan sa mga agency na pinag-apply-an ko, tapos nakaalis na ‘yung iba kong mga kasabayan sa pag-a-apply.
Naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung dapat pa ba akong mag-apply ulit sa abroad kahit puro kabiguan at kamalasan ang napapala ko?
Wala kaya talaga sa kapalaran ko ang makapag-abroad? Kung wala sa pangingibang-bansa ang magandang kapalaran na nakalaan sa akin, baka sa pagnenegosyo ako susuwertehin, ano sa palagay n'yo?
Kasagutan
Tama, mas mainam na magnegosyo ka na lang kaysa mamasukan sa mga lokal na kumpanya, imbes na mangibang-bansa ka. Ito ang nais sabihin ng magulo at may mga bilog na Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Tanda na, hindi ka nga papalarin sa ibang bansa kahit matuloy ka pa dahil tulad ng mga lumabas na resultang pag-aanalisa at sa aktuwal mong karanasan na noong nakapag-abroad ka, maaaring magkaroon ka ulit ng hindi mabait na amo at malamang na mapauwi ka ulit.
Ang pag-aanalisang sa negosyo ka uunlad ay madaling kinumpirma ng malinaw na Business Line (Drawing A. at B. B-B arrow b.) at makapal at malinaw ding Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow c.) sa kaliwa at kanan mong palad.
Kung hindi ka pinalad sa pangingibang-bansa, tiyak na sa pagtatrabaho at pagnenegosyo na may kaugnayan sa agricultural products at iba pang kauri nito, sa gawaing nabanggit ka nakatakdang umunlad at yumaman na madali namang kinumpirma ng zodiac sign mong Capricorn. Mga Dapat Gawin
Ayon sa iyong mga datos, Altea, higit kang aasenso sa ating bansa kaysa sa pag-a-abroad at ang pag-asensong nabanggit ay nakatakdang maramdaman sa 2020 hanggang 2021 habang abala ka sa negosyong may kaugnayan sa mga butil, bungangkahoy, paghahalaman, paghahayupan at iba pang kauring kalakal.
Sa nasabing panahon at kalakal, sa edad mong 38 pataas ay mararamdaman mong unti-unti nang umuunlad ang iyong negosyo hanggang sa tuluy-tuloy nang lumago ang iyong kabuhayan at sa bandang huli ay maaari ka pang yumaman na nakatakdang mangyari sa 2032 sa edad mong 44 pataas (Drawing A. at B. H-H arrow d.).




Comments