Koleksiyon ng Pag-IBIG sa home loan, umabot sa P38.56 bilyon sa 9 buwan, abot-kayang pabahay tuluy-t
- Thea Janica Teh
- Nov 16, 2019
- 2 min read
Bulgarific

Hello, Bulgarians! Masayang ibinahagi ng Pag-IBIG Fund na sa loob ng 9 na buwan ay highest record na ang nakolekta nila sa home loan payment ng kanilang mga miyembro.
Mula January hanggang September, umabot sa P38.56 bilyon ang nakolekta ng ahensiya. Ito ay 12% o may P4.17 bilyong itinaas kung ikukumpara sa nakaraang taon. Ito rin ay ang pinakamataas na record mula sa home loan payment na nakolekta ng ahensiya mula January hanggang September.
“Napananatili natin ang momentum noong nakaraang taon sa pagkokolekta ng home loan at ito ang best year natin. Mayroon pa tayong isang quarter bago matapos ang taon at confident tayong ang 2019 ay isa pang taong maituturing nating best year dahil sa patuloy na pagtaas na umaabot na sa double-digit. Sa 3rd quarter, tumaas ng 20% ang home loan payment o P13.98 bilyon. Ang pagtaas ng koleksiyon ng ahensiya ay hindi lang para sa financial sustainability nito kundi pati na rin sa mga miyembro nito upang mabigyan pa ng sapat na benepisyo. Ito rin ang paraan namin sa pagtupad sa sinumpaang-tungkulin kay Pangulong Duterte na mabigyan ng abot-kayang pabahay ang mga Filipino,” bahagi ni Secretary Eduardo D. del Rosario, head ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) at 12-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.
Dahil dito, ibinahagi rin ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na naabot ng ahensiya ang performing loans ratio (PLR). Noong September, umabot na sa 91.03% ang PLR, ang pinakamataas na nairekord sa history ng ahensiya.
“Masaya kaming maibahagi ito sa ating mga miyembro dahil ang pagtaas ng PLR ay pagpapakita na ang mga home loan borrower ng Pag-IBIG Fund ay regular na nakapagbabayad ng kanilang amortization na malaking improvement kung ikukumpara noong nakaraang taon. Kaya naman patuloy lang ang pagbibigay ng Pag-IBIG Fund ng abot-kayang pabahay lalo na sa mga minimum wage earners,” sabi ni Moti.
♥♥♥
For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.
Got to go! It’s so Bulgarific!
xoxo





Comments