Gil’s Magic at King Jeff pinagpipilian sa WTA
- Ding Taboy
- Nov 15, 2019
- 1 min read

Umaatikabong bakbakan ang matutunghayan ng bayang karerista ngayong gabi sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite. Bibitiwan ang mga kalahok sa Condition Race, Group Race Merged at 2 Year Old Maiden Race na tatawid sa 400 meters distance. Bibitiwan ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 kasabay ng Trifecta, Quartet at Pentafecta na tatayaan ng mga Bayang Karerista. Sa pagsisimula ng karera sa Race 1 kasabay ng WTA inaasahan na magkakalaban ang mga kalahok na Lady Zip, Case Bell at Momentum. Magsisimula ang Pick 6 sa Race 2 na paglalabanan ng mga kalahok na Gil’s Magic, couple entry na Ariana Malia at Kings Jeff, Amalia at Yes All Wee Bet sa Condition Race.
Sa Race 3, ipinapatok ang kalahok na Drummer Boy at makakalaban ang Adorable Felicia na umpisa nang Pick 5. Nakalalamang ang The Whole Truth sa Be Humble na binibigyan ng panalo ng mga miron sa Race 4. Sa Race 5, ipinapatok ang Noon Bell habang makakalaban ang Jannanigans, Money Gain at Prettiest Star. Sa Race 6, nakalalamang ang Professor Jones at makatutunggali sa unahan ang My Dad Bogart, isama sa Trifecta ang Huckleberry at Golden Octagon na isama sa quartet.
Magkakalaban ang Probinsiyano at Sizzling Hot sa paglarga ng Group Race Merged isama sa Trifecta, Quartet at Pentafecta ang Pronto, El Mundo at Glitter Face sa pagsikad ng Race 7.





Comments