TOP spot sa SEAG, asinta ng PHL shooting team

Umaasa ng isang malaking performance ang Philippine Shooting team sa nalalapit an 30th Southeast Asian Games na idaraos sa bansa sa Nob. 30 makaraan ang kampanya nila sa 14th Asian Shooting Championships sa Doha, Qatar.
Ayon sa Philippine National Shooting Association (PNSA) kuntento sila sa naging resulta ng team sa Doha meet lalo na sa men’s shotgun trap team competition. Si Shotgun shooter Carlos Carag, ang nakakuha ng best score na 114 sa PHL men’s trap kasama sina Hagen Topacio, 113 at Eric Ang, 110 na nagpatumba ng kabuuang 337 score upang magtapos na 7th sa may 14 Asian teams na sumagupa. Iyon ang score na puwedeng ibalandra sa SEAG ngayong taon.
Nakuha nina Carag at Topacio ang minimum qualifying standard upang makuwalipika sa hanay ng mga kandidato para sa universality place sa susunod na Tokyo 2020 Olympiad.
Pakay din sana ni Jethro Dionisio na makalusot sa minimum quota score pero kinapos ng one shot at nakakuha lang ng 111 marka. Gayunman, sina Ang at Topacio ay nakalusot sa MQS ng Southeast Asian shooting o SEASA championships nitong taon sa Jakarta Indonesia.





Comments