top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Ruru, muntik daw sagasaan ng GF na aktres… Jasmine, tameme sa pagseselos sa kanya ni Bianca

Nitz Miralles
Nov 14, 2019
1 min read

Nitz Miralles / Bida

Imbitado si Ruru Madrid sa opening ng branch ng Ka Tunying’s Restaurant bukas sa isang mall at dahil may mga imbitado ring press people, tiyak na mata­tanong ang aktor sa nangyari sa kanila ni Bianca Umali sa premiere night ng Cara X Jagger movie nila ni Jasmine Curtis-Smith.

Una nang itinanggi ni Ruru na nag-away sila ni Bianca dahil sa selos kay Jasmine kung saan muntik na raw siyang sagasaan ng rumored GF. Tingnan nga natin kung maiba ang pahayag niya kapag na-interview ng press.

Wala pang nakakapagtanong kay Jasmine sa nangyari dahil hindi pa siya nakikita ng mga reporters. Ano kaya ang version ni Jasmine sa nangyari?

Samantala, ang ganda ng ginawa ni Jasmine na pinasalamatan ang mga na­nood ng Cara X Jagger at kung may time ang mga moviegoers, puwede pa nilang habulin ang movie sa ilang sinehan na showing ito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page