Proud nang inilalantad, Daniel… Karla, bitbit ang BF hanggang sa out of town taping ng show
- Julie Bonifacio
- Nov 14, 2019
- 1 min read

Congratulations kay Jolina Magdangal dahil umabot na sa 100K ang subscribers sa kanyang YouTube channel. Napakabonggang birthday gift nito for Jolina na up to now ay isine-celebrate ang kanyang special day sa daily Kapamilya morning show nila nina Karla Estrada at Melai Cantiveros, ang Magandang Buhay.
Sa kanilang episode ‘til this week ay patuloy pa rin ang pag-iikot ng tatlong hosts ng MB sa Vigan, Ilocos Sur. Mukha namang ini-enjoy nina Jolina, Karla at Melai ang pamamasyal.
Why not, ipinakita pa nga ng madir ni Daniel Padilla ang piktyur nila ng BF na magkasama sa Vigan habang itine-tape ang birthday episodes ni Jolens sa Magandang Buhay.
Open na talaga ang relasyon ni Karla sa guy na lagi niyang kasama. Mukhang aprub na aprub na siya kay Daniel kaya keri na ni Karla na i-display siya in public.
Kaya ‘wag nang magtaka if one of these days ay aapir na rin nang live si guy sa Magandang Buhay. That’s something na tiyak na tututukan ng bayan. ‘Di ba naman?





Comments