'Di raw tamang nag-walkout sa concert… Morissette, 'di gagayahin ng mga baguhang singers
- Janice DS Navida
- Nov 14, 2019
- 2 min read

Todo-pasalamat ang dalawang aspiring singers na sina Myko Manago at Jessa Mae Gabon sa CEO ng RJA Productions na si Ms. RosabellaJao-Arribas sa pagbibigay sa kanila ng break para matupad ang kanilang pangarap na maging certified singer.
Actually, kapwa hindi na baguhang singers sina Myko at Jessa Mae. Si Myko ay tatlong beses nang sumali sa mga singing contests sa TV. Una sa Eat Bulaga’s DizIz It, then sa Wil to Win ng Wowowin at pinakahuli nga sa Tawag ng Tanghalan kung saan naging three-time defending champion siya.
Si Jessa Mae naman, bata pa ay kumakanta na talaga at sumali na rin sa Pinoy Pop Superstar noon, pero hindi lang pinapalad na manalo kaya nag-decide na balikan na lang ang pag-aaral ng Mass Communication at naging second career ang pagiging vocal coach.
Pero kahit hindi pa rin dumarating ang big break sa kanila, hindi sumusukso sina Myko at Jessa Mae kaya umaasa silang sa bagong single nila under RJA Productions ay makakagawa na sila ng mark sa music industry.
Ensayado ang title ng single ni Jessa Mae at Stuck naman ang kay Myko at sana nga, mabigyan sila ng chance na mag-hit ito kapag formally ay ini-launch na nila next year.
Since controversial si Morissette Amon, natanong namin ang dalawa sa stand nila sa pagwo-walkout nito. Anila, ayaw nilang i-judge si Morrisette sa pinagdaraanan nito pero naniniwala silang bilang singer-performer, dapat ang motto ay “the show must go on” kaya kung sa kanila raw mangyayari na may hindi magandang nangyari before the show, itutuloy pa rin nila at hindi sila magwo-walkout.
Oh, at least, may magandang aral din na naiwan ang controversial na pagwo-walkout ni Morrissette na hindi dapat tularan ng mga baguhang singers na gustong sumikat, ‘di ba?
‘Yun na!





Comments