Palagi ka bang kapos sa budget? Wallet, dapat pahanginan sa electric fan para pasukin ng maraming pe
- Sr. Socrates Magnus II
- Nov 13, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang ilang kaalaman para maging magaan ang pagdating ng pera sa buhay ng tao.
Maraming nagsasabi na ang pitaka o wallet ay dapat na may pangati. Ang pangati ay ang pera na hindi ginagastos at nasa wallet lang.
Ito ay totoo at talagang mas maganda na palaging may pera ang wallet kung saan hindi ito puwedeng mawalan ng pera dahil kapag ito ay walang pera, hindi na ito wallet. Kumbaga, ‘yun ang tanging silbi ng wallet at kapag wala itong laman ay wala na rin itong silbi.
Kaya una, dapat ay palaging may pera sa wallet. Gayunman, kung sinunod na ito ng tao, pero hirap na hirap pa rin sa pera, narito ang mga dapat gawin:
1. Baguhin ang puwesto ng pangati. Kumbaga, sa ibang parte naman ng wallet ito ilagay.
2. Puwede rin na palitan ng ibang pera ang pangati.
3. Mas maganda na bago o malutong ang pangati kaya kapag luma ay palitan na.
4. Ganundin mismo ang wallet, kapag nahihirapang pumasok ang pera sa buhay ng tao, kahit buo o bago pa ang wallet, dapat na itong palitan.
5. Para magbago ang takbo ng dating ng pera, kung sa kanang bulsa inilalagay ang wallet dapat ay baguhin na at sa kaliwang bulsa na ilagay.
6. Napakaganda rin ng magiging resulta kapag ang wallet ay paminsan-minsang pahahanginan, puwedeng itapat sa electric fan o ilagay sa lugar kung saan mahahanginan ang loob at labas ng wallet.
7. Ibig sabihin, ang loob ay pahahanginan, tapos ay iikut-ikutin ang wallet na babaguhin ang puwesto para mahanginan ang lahat ng parte ng wallet.
8. Epektib din ang paminsan-minsang pagtatapat nito sa mahinang apoy para mainitan, gayundin, puwedeng masikatan ng Haring Araw sa umaga.
9. Ipinapayo na banatin ang leather ng wallet o hilahin ang mismong mga parte ng wallet na parang minamasahe.
Ang mga simpleng paraan sa itaas ay madali lang gawin. Ang mahirap ay ang tao ay kapos na kapos sa pera na parang hindi magaan ang pasok ng grasya kaya magandang masubukan ang mga nasabing paraan upang mabago ang takbo ng dating ng kabuhayan.
Good luck and God bless!
Comentarios