Lahat sila kay Senior Lucas
- Ding Taboy
- Nov 13, 2019
- 1 min read

Babanat na ngayong gabi ang Additional One Win in Group Races na paglalabanan ng Group Race at Condition Race sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.
Bibitawan ang dalawang Pick 5 at Winner Take All (WTA), Pick 6 at isang Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na tatayaan.
Sa Race 1, magsisimula ang 1st Pick 5 pinapaboran ang Senior Lucas at makakalaban ang What An Offer at Backdoor Cover. Magsisimula ang WTA sa Race 2 at nakalalamang ang Taranasakalyos kontra sa Fly Like An Eagle at Yoshiko.
Sa Race 3, pinagpipilian ang mga kalahok na Hello Junior, entry no. 4 at Rafa, isama ang Rosario Princess. Sa Race 4, magsisimula ng 2nd pick 5 pinapaboran ang Hold On laban sa Laughing Tiger at Batas Kamao.
Magkakasubukan ang Trust Me at Mark of Excellence sa Race 5, simula nang Pick 4 at isama sa mga paratingan ang lockdown at Tito Gene sa Pentafecta.
Ipinapatok ang Harapin Mo sa Race 6, habang aasahan sa forecast ang Golden Buzzer at Tanforan.
Maglalaban ang mga kalahok na Victory Dance, Ravel at Big Scoop at isama ang My Way at Blue Label sa quartet at Pentafecta sa Race 7.
Sa Race 8 nakalalamang ang couple entry na Boy Paradise at Batang Novaliches at posibleng tumalo ay Chinito ay may tsamba ang Smiling Lady.





Comments