Kahit maliit lang daw ang bayad kapalit ng sex… Janno, tuwang-tuwa na mabenta pa rin sa mga bading
- Ronalyn Seminiano
- Nov 13, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Ini-reveal ni Janno Gibbs na nakakatanggap siya ng indecent proposals mula sa mga gays.
May pelikulang pagbibidahan si Janno kung saan gaganap siya bilang si Mang Jose na “nagpapabayad”. Dito natanong ang aktor tungkol sa “pagpapabayad” in real life.
Kuwelang sagot ni Janno, “Sa katawan ko? Willing naman ako kung malaki-laki talaga!”
Kasunod nito’y sinabi niyang meron daw talaga siyang natatanggap na indecent proposals. Aniya, “Tinanong ko muna kung magkano. Hindi masyadong malaki, eh. May mga nagte-text na hindi ko alam ‘yung number. Siyempre, hindi girl ito.”
Dahil maliit daw ang mga offers ay hindi na niya pinag-isipan pa, pero pagdidiin niya, “Hindi, totoo, totoo, meron talaga. Siyempre, hindi girl... puro gays.”
Kahit puro gays ang nag-aalok sa kanya ng indecent proposals ay hindi naman daw siya na-offend.
Kuwento niya, “Hindi offend, eh. Siyempre, flattering pa nga ‘yun, ‘di ba? Dahil nga, ‘Uy, may asim pa!’ Nakakababa lang. Parang, ‘Ha?!’ Parang feeling nila, kailangan ko ng pera, ‘yung ganu’n. Pero it’s flattering. Hindi siya nakaka-offend, actually.”
In pernes kay Janno, hindi halatang nadaragdagan ang edad niya at ang sikreto raw niya, “Relax lang, huwag mo lang i-pressure ‘yung sarili mo. Of course, nagda-diet ako ngayon nang kaunti, tapos exercise. I play badminton, at least twice a week. For a year na, keto vegetarian ako. Effective sa akin.”
Samantala, together again sina Janno at Manilyn Reynes sa Mang Jose. Sabi ni Manilyn, napakatagal na nu’ng huli silang magsama ni Janno sa movie which is Kung Sino Pa ang Minahal noong 1991 kaya super excited na ang aktres.
Super busy ngayon ni Manilyn dahil bukod sa Mang Jose ay lumalabas din siya sa Madrasta at sa sitcom ni Michael V. na Pepito Manaloto pero with the help of her husband na si Aljon Jimenez ay naaayos naman niya ang kanyang schedule.
Naungkat din ang past relationship nila ni Janno na naging dahilan ng grabeng pag-iyak ng singer-actress sa kantang Sayang na Sayang.
Kuwento ni Manilyn, “Sabi nga nila, ginawa talaga ‘yung song para ru’n sa nangyaring breakup. We were really, really young. Kapag bata ka naman, akala mo, ‘yun na. And then, kapag may nangyaring ganoon, you finally realize, hindi pala kasi nga ang bata n’yo pa noon.”
Inamin ni Manilyn na nahirapan siyang maka-recover sa breakup nila ni Janno.
Aniya, “Siguro kasi malakas din ‘yung will ko na parang, ‘Kung hindi ka naman kikilos diyan, papaano? Ganyan na lang forever?’ Kunwari, magkita kayo, ‘Hindi na? Hindi mo na papansinin and all?’ Hindi naman yata maganda, at hindi rin maganda for me, hindi ba?”
At least, dahil sa breakup nila, naging punumpuno ang emosyon ng Sayang na Sayang kaya super nag-hit sa madlang pips, ‘di ba?
May maganda rin palang naidudulot ang heart break, ‘noh?





Comments