top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ang guwapo na raw, ang ganda pa ng boses… Sarah, gustong maging kamukha ni Ronnie ang baby nila ni M

  • Julie Bonifacio
  • Nov 13, 2019
  • 2 min read

Hindi binigo ni Sarah Geronimo ang kanyang mga fans at si Pop Balladeer Ronnie Liang sa concert titled Love x Romance: Ronnie Liang sa Music Museum last Friday.

Puring-puri ni Sarah si Ronnie as a person and as an artist. Madalas kasi si Ronnie ang special guest sa mga concerts ni Sarah, especially sa ibang bansa.

Sa sobrang papuri ni Sarah kay Ronnie, gusto niyang maging kamukha ng Pop Balladeer ang magiging baby nila ng fiancé niyang si Matteo Guidicelli.

“Kapag magkakaanak ako, gusto ko, kamukha ni Ronnie Liang, ang guwapo na, ang ganda pa ng boses. Walang halong biro po ‘yun.”

Kinilig ang Pop Balladeer sa sinabi ng Popstar Royalty.

“I’m very grateful kay Sarah G. She’s very kind and humble. Lagi n’ya akong pinupuri, coming from her, ‘di ba? Sinabi ko talaga noon kay Boss Vic (del Rosario ng Viva) na gusto ko siyang makasama sa concert. Ito na nga, nangyari na,” pahayag ni Ronnie.

“I love you, Ronnie Liang!” sigaw ni Sarah bago lisanin ang stage.

Sumagot naman si Ronnie, “I love you too, Sarah G!”

Naku, ha? Baka magselos na ang fiancé ni Sarah na si Matteo Guidicelli kay Ronnie niyan.

Ang Love x Romance ay concert ni Ronnie bilang selebrasyon ng kanyang ika-12 anniversary sa music industry.

Nagpamalas si Ronnie ng kanyang kahu­sayan sa pagkanta. Sa opening pa lang ay tuwang-tuwa ang mga fans dahil binanatan niya ang Michael Buble medley. Swak na swak ang Buble songs kay Liang.

Sa kanyang 12 years sa music industry, hindi pa rin nagbabago ang kanyang boses. Mas may kon­trol at power pa nga ngayon. Makikita mo ta­laga na hindi pinapabayaan ng singer-actor ang kanyang boses.

Pinainlab din niya ang Music Museum sa awiting Basta’t Kasama Kita, Nandito Ako at Ikaw na binigyan ng Tagalog at Korean versions. At ang pinakabongga ay nang kantahin nila ni Sarah ang Shallow at Liwanag na bago nilang collab song at available na sa Spotify at other digital music platforms. Ito ay mula sa komposisyon ni Marlon Barnuevo.

Kabilang din sa mga kinanta ni Liang ang bago niyang Christmas song na Sa Paskong Darating na isinulat ni Joel Abad.

Marami pang dapat abangan sa kanya from his music and acting career. Malapit na rin siyang magtapos bilang piloto at very soon ay makakalipad na. Pangarap niyang isakay sa eroplano ang kanyang pamilya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page