top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Piktyur kumalat, pinaamin ni Angel, Gerald… Bea, nagsalita na sa kanila ni Dominic Roque

  • Julie Bonifacio
  • Nov 12, 2019
  • 1 min read

Photo: @beaalonzo/@dominicroque

Viral ang comment ni Angel Locsin sa isa sa mga piktyur na ipinost ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram account na kuha sa pamamasyal niya sa Tokyo, Japan.

Ang nakatawag-pansin kay Angel sa mga ipinost ni Bea ay ang pangalan ng Kapamilya star na kumuha ng mga larawan ng aktres na naka­lagay sa ilalim ng camera icon at nali-link ngayon kay Bea — si Dominic Roque.

Sa comment section ay pa­birong nagtanong si Angel kay Bea ng, “Katapat na ba ng sweet escape si Dom Roque?”

Nag-reply naman agad si Bea kay Angel, ”@thereal­angellocsin Ganu’n na nga! Galing, eh!”

At kasunod ang reaksiyon ni Angel ng, “Mahusay… mahu­say.”

Marami ring mga fans ni Bea at celebrities na nag-react at nag-like sa nasabing pictures na kuha ni Dominic, kabilang na si Angelica Panganiban.

Kinilig ang ibang netizens na nag-post ng comment nila. May nagsabi pa na bagay na bagay daw sina Bea at Dom.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page