Helushka, tampok sa Klub Don Juan Racefest
- Ding Taboy
- Nov 12, 2019
- 2 min read

Matutunghayan ng Bayang Karerista ang Helushka sa Klub Don Juan De Manila Racing Festival sa Nob.24 sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) Malvar, Batangas.
Nakalalamang ang Helushka sa mga kalaban na Hidden Light, Garantisado, Divine Zazu, Ginuhit ng Tadhana, Fort McKinley, Mini Model at Vivid Pink sa nakatakdang paghaharap sa KDJM Magic Millions Australia Stakes Race na tatawid sa distansiyang 1,600 meters na may guaranteed prize na P500,000. para sa unang apat na makatatawid ng finish line.
Mahigpit na magkakatunggali ng anim na kalahok sa Don Juan Derby na Chance The Race, Joyous Solution, Miss Campbell, Shanghai Grey, War Commander at Will To Win na tatawid sa distansiyang 2,000 meters. May nakalaang papremyo sa 1st place na P900,000 habang sa 2nd place ay may P337,500, samantalang mag-uuwi ang 3rd place ng P187,500 at pagkakalooban ng P75,000 bilang 4th place.
Walang nakasisiguro sa laban ng karerang nabanggit. Mahigpit na magtutunggali ang mga kalahok ng KDJM Golden Girl Stakes Race at nakalalamang ang Princess Eowyn sa mga kalaban na Certain To Win, Matriarchal, Sooner Time, Trust Me, Shanghai Grey, War Commander at Stella Malone.
May guaranteed prize na P500.000 para sa apat na makatatawid sa finish line. Asahan na magkakadehaduhan ang KDJM Juvenile ‘Colt’ Stakes Race, na pangungunahan ng Bulwagan, Four Strong Wind, Noon Bell, Puro Asset at Spandau Ballet. Naghihintay ang P500,000 na guaranteed prize sa unang makatatawid sa finish line.
Nakalalamang ang Carmela’s Fury laban sa mga kalaban na Batang Evalom, Divine’s Success, Dream Team, Fortress, Independencia Real, Kindred Soul, Our Secret, Parokya ni Pablo at Sky Candy sa nakatakdang KDJM Juvenile ‘Fillies’ Stakes Race na tatawid sa distansiya 1,400 meters na nakataya ang guaranteed prize na P500,000.





Comments