May pinagdaraanan daw kaya nag-walkout sa concert… Resbak ng fans kay Morissette: 'di ka depress
Beth Gelena / Bulgary Files

Mukhang ‘di naman sineseryoso ni Morissette Amon ang negative issues na naglalabasan sa kanya lately dahil sa nangyaring pagwo-walkout niya sa isang concert.
Sa post ng boyfriend ni Morissette na si Dave Lamar ay nag-dinner date pa silang dalawa kasama ang mga kaibigan.
Komento ng mga netizens, loka-lokahan lang daw talaga ang peg ni Morissette. Gaano raw ba kaimportante si Moira dela Torre para magmadaling puntahan ang birthday nito kapalit ng pagwo-walkout sa concert ni Kiel Alo?
Ang dahilan kasi ng tumatayong handler ng singer ay may pupuntahan pa siyang birthday party ni Moira kaya kailangan na raw nitong umalis.
Komento naman ng mga netizens, “Bye career! Hello love life. Be happy while it lasts.”
“Ganyan ba ang may depression? Masaya sa piling ng BF… palusot pa more.”
“Kung may mental health pala siya, sana pinagpahinga na lang para hindi nakakaperhuwisyo ng iba.”
“It’s okay to be kind but business is business. Sana nag-info siya beforehand na ayaw niya magpa-interview, etc. because you cannot deny the fact na mali siya and people have the right to express their disappointments.”
“The world does not revolve around her kaya dapat mag-issue na lang siya ng apology para once and for all, matapos na. Hindi naman magsasalita ‘yung producer ng ganyan kung hindi niya nasaktan.”
“Depressed or not, she is still unprofessional.”
“Grabe.... umikot na talaga ang mundo ni ateng sa jowa niya. Love life muna bago work, tingnan natin kung saan ka pupulutin.”
May mga nagtatanong naman kung clinically diagnosed ba siya with mental illness?
“I get that in depression, you can still be sociable but when in alone time, you feel numb. But still, I hope fans and herself don’t self-diagnose. It doesn’t help spread awareness for mental health and fight the stigma about it.”
Ayaw daw nilang i-judge ang singer, pero mukhang ginagawa lang diumano ni Morissette na rason o palusot ang kanyang depression.
“Mahiya sana siya dahil nakaka-offend sa mga taong depressed talaga. Kaya ‘di sineseryoso ang mga depressed na tao dahil sa mga tao na tulad ni Mori (if ever na nagpapanggap lang siya) na ginagamit lang excuse ‘yung depression.”
“Pinanood pa kita sa Dubai, pero sobrang nakaka-disappoint lang. Magkaiba ang depression sa nag-iinarte lang.
Ang jowa naman daw niya ay parang walang pakialam sa pagwo-walkout ng singer. Alam na nga raw na may malaking isyu si Mori pero nag-post pa rin sa socmed.
“Morissette hasn’t even explained yet, her management did, pero siya, hindi pa. Of course magkakaroon ng backlash. Kung anu-ano talaga ang ia-assume ng mga tao.
“Sana ‘yung jowa, pinrotektahan din si Morissette and refrain muna from posting para hindi nasa spotlight lalo.”
Hanggang ngayon ay marami pa rin ang naghihintay na sana’y humingi ng public apology si Morissette.





Comments