Lumabas ang tunay na kulay… Vice, kayang itakwil ang kaibigan 'wag lang mawala si Ion
- Ronalyn Seminiano
- Nov 11, 2019
- 2 min read
Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Photo: @praybeytbenjamin
Ginaya nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez ang split-screen, kung saan nakilala ang tambalang AlDub (Alden Richards/Yaya Dub Maine Mendoza) ng GMA-7’s Eat... Bulaga!, noong Biyernes sa It’s Showtime.
Sa segment na Tawag ng Tanghalan, in-interview nina Vice at Anne Curtis ang contender na si Justin Alva. Tinanong ni Vice si Justin kung ano ang favorite Queen song nito.
Sabi ni Justin, halos lahat naman ng kanta ng Queen ay gusto niya katulad ng Bohemian Rhapsody at nang mabanggit nito ang Love of My Life, sinabi ni Vice na gustung-gusto rin daw niya ito.
Pinakanta ni Vice si Justin ng Love of My Life at habang kumakanta ay bigla na lang in-split screen sina Ion at Vice. Nang mapansin ito ng Unkabogable Star ay nagsimula na itong magpa-cute na ala-Maine at kumaway naman si Ion.
Kilig na kilig ang audience nang sinubukan nilang mag-form ng heart shape, pero natapos na ang pagkanta ni Justin, hindi pa rin nila napo-form ang heart.
Sabi ni Vice, “Kanta ka pa! Kanta ka pa, ida-dubsmash ko, dali, kanta ka pa!” at nagtawanan ang madlang pipol sa pagda-dubsmash ng gay comedian.
Biglang nadagdagan ang kilig factor nang ngumuso si Vice na tila ba gustong halikan si Ion. Lumapit si Ion at ngumuso rin. Kilig to death si Vice na tumalikod pa habang tuwang-tuwa at kuwela lang dahil saktong pagharap nito, ang abot-langit na ngiti niya ay napalitan ng pagsigaw nang pumasok sa eksena ang co-host niyang si Jhong Hilario.
Akmang hahalikan ni Jhong si Ion kaya napasigaw si Vice ng “Hoy, Jhong, bakit kayo nagtsa-chapchapan diyan!? Siraulo ‘to, ah!”
Todo-simangot si Vice, kaya nagbiro si Anne Curtis ng “Nag-iba ‘yung mood!” habang tumatawa kaya medyo nangiti ang gay host.
Biro ni Vhong Navarro, “Bro, nagseselos ka yata, brod, ah! Nagseselos ka ba kay Jhong?”
Dagdag pa ni Anne, “Pati ba naman kay Jhong, magseselos ka!?”
Sagot ni Vice, “Sa puntong ‘to ng buhay ko, kahit kaibigan kong lalaki, hindi ko pagkakatiwalaan.
“Minsan lang mangyari sa ‘kin ‘to, poprotektahan ko na ‘to! Siraulo ka diyan, ihinto na natin ‘to!”
‘Kalokah! Selosa pala si Vice!




Comments