Balang-araw daw, sisikat din siya… Hirit ni Angelica: 'di naman ako big star kaya balewala sa AS

Kinukuwestiyon ni Angelica Panganiban kung bakit hindi inanunsiyo ng ABS-CBN sa publiko na hindi siya kasama sa A.S.A.P. Rome sa darating na Nov. 16.
May nag-comment kasing isang fan niya na buong akala ay nasa A.S.A.P. Rome siya at bibiyahe pa raw ito mula sa Belgium para lang makita ang aktres at makapagpa-picture.
“Hello! Hindi po ako kasali na du’n. Sorry kung hindi n’yo alam,” sagot ni Angelica sa fan at saka itinag ang A.S.A.P. and asked, “Bakit hindi sila na-inform?”
Mensahe pa ni Angelica sa A.S.A.P. team, “Meron din po akong supporters….at iba po sa kanila, bibiyahe pa… Matagal n’yo nang alam na wala ako sa a.s.a.p. Rome. Bakit hindi kayo nag-announce? (Sorry for taking it on social media, hindi ko rin ‘to na-expect).”
Kaya naman pagkatapos nito ay inanunsiyo mismo ni Angelica sa kanyang Twitter account na wala siya sa A.S.A.P. Rome sa Sunday.
“Mid of October pa ‘ko nawala sa line-up dahil may movie kaming ginagawa. Hindi ko talaga alam bakit hindi kayo na-inform. Sorry,” ang pahayag ni Angelica sa Twitter.
Hugot pa ng aktres, “Hayaan na natin. Hindi rin naman ako big star kagaya ng mga artista nila. Balang-araw... sisikat din ako at magma-matter ako sa show nila. Sana, one day. Sana talaga.”
At ang huling tweet niya about the issue, “Back to regular programming na tayo, mga besh. ‘Wag tayo sa walang pakialam sa ‘tin.”





Comments