Aktres, after layasan ang network, haping-hapi na raw… Nabulgar: Mga projects ni Kisses, hinaharang
Nitz Miralles / Bida

Maayos na nagpaalam si Kisses Delavin sa ABS-CBN na hindi na siya magri-renew ng kontrata at lilipat na sa Triple A Management o All Access To Artists, Inc., at pinayagan naman siya.
Sabi ni Kisses, nagpaalam siya from top management hanggang sa huling dapat pagpaalaman bilang pagsunod sa payo ng parents niya at ni Director Mike Tuviera na “Don’t burn bridges.”
Baka nga naman mag-collab ang Star Cinema at APT Entertainment, ang movie arm ng Triple A, at isa si Kisses sa maging cast. Kasama sa mga tinanggap ni Kisses ang three-picture contract sa APT Entertainment at nakalatag na ang rom-com at family drama na kanyang gagawin.
Si Marian Rivera at manager nitong si Rams David ang isa sa mga rason kung bakit sa Triple A pumirma ng kontrata si Kisses. Nakita niya kung paano alagaan si Marian ng Triple A at ni Rams, mas personal ang touch at gusto niyang maramdaman ‘yun.
May magandang message si Kisses sa bago niyang management company: “To my new Triple A family @ramsdavid, @direkmike, Mr. Antonio Tuviera, Mr. Jojo Oconer and all the lovely people from APT Entertainment, thank you for the amazing welcome I had earlier! You made that day extra special for me and it meant a lot. Thank you for taking care of me now and for the future to come!”
Naintriga lang kami sa comment ng isang fan ni Kisses na masaya siya na wala na sa ABS-CBN ang aktres dahil makakagalaw na raw nang maayos at wala nang haharang sa kanyang mga projects. May ganu’ng isyu pala!





Comments