Lolo timbog sa drug den
Cebu—Arestado ang 61-anyos na lolo na nagmamay-ari ng drug den kamakalawa sa Bgy. San Roque, Talisay City.
Kinilala ang suspek na si Edilberto Endriga, residente sa nabanggit na barangay.
Inaresto rin ng mga awtoridad ang apat na hindi pinangalanang drug addicts na nasa loob ng drug den ni Endriga.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng 13 gramo ng shabu at drug paraphernalias sa drug den ng suspek.
Nakapiit na si Endriga at apat na drug addicts na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.





Comments