Lemonade, early bird at yes all wee bet

Aalagwa ngayong hapon ang pitong karera na tatatak sa mga bayang karerista at paglalabanan ang 2 Year Old Maiden Race kasabay ng Condition Race sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona,Cavite.
Bibitiwan ang Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six. Tiyak na magmamarka sa mga karerista ang labanan ngayon araw.
Magsisimula ang laban sa Race 1 na sasabayan ng WTA na paglalabanan ng mga kalahok na Noon Bell, Sacred Syndicate at Jannanigans.
Sa Race 2 magsisimula ang Pick 6, at pinapaboran ng mananalo ang couple entry na Best Side Show at Line Them Up at Perfect Lover. Maglalaban sa Condition Race 16 ang tatlong kabayo na Early Bird, Premiere Danseur at No Regret, subalit huwag mawawalan ng Yes All Wee Bet sa Race 3.
Sa Race 4, simula ng Pick 4 at pinapaboran ang Lemonade, makalalaban ang Mood Swing at Hidden Light. Sa Race 5, maglalaban ang Trust in Him, Filipino Emperor, Genie Hello, isama sa quartet ang Lady Zip at sa pentafecta ang couple entry na Be Humble at More or Less.
Ipinapatok ang Indelible Quaker sa Race 6, ngunit, mananatiling banta ang mga kalahok na Baling Rikit, Bato, Apollo of Aquila at Money Machine.
Nakalalamang ang Great Style, ngunit, mananatiling banta ang mga kalaban na Kingdom, LadyBenevolentia, Apo, Mellifluous sa paglarga ng Race 7.





Comments