Kuta ng NPA sinalakay
Mountain province—Isang kuta ng New People’s Army (NPA) ang sinalakay ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Bangaan, Sagada.
Nabatid na nakatakas na ang mga rebelde bago dumating sa kanilang kuta ang pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar.
Ayon sa ulat, tinatayang nasa 50 rebelde umano ang nagkukuta sa nasabing lugar.
Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang subersibong dokumento, bigas at kagamitang pangkusina sa kuta ng mga rebelde.
Sa ngayon ay patuloy pa ang isinagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na NPA.





Comments