Kelot, binoga ng kaalitan
Isabela—Sugatan ang isang lalaki nang barilin ng kanyang kaalitan kamakalawa sa Bgy. Roxas, Cordon.
Ang biktimang nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita ay nakilalang si Ignacio Cadiz, Jr. nakatira sa Bgy. Turod Sur sa nasabing bayan.
Kaugnay nito, agad namang nadakip ng pulisya ang suspek na si Marvin Oliver Hombrebueno at nakumpiska sa kanya ang baril na ginamit sa pamamaril sa biktima.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, habang nag-uusap sina Cadiz at Hombrebueno ay nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa na humantong sa pamamaril ng suspek sa biktima.
Kasalukuyan nang ginagamot sa ospital si Cadiz, samantalang, sinampahan na ng kasong attempted homicide ang suspek.





Comments