Inoue, tinalo si Donaire

Tanging ikatlong boksingero pa lang sa mga naging kalaban ni Naoya “The Monster” Inoue ang hindi nakatanggap ng technical knockout si four-division champ Nonito “The Filipino Flash” Donaire, Jr. matapos ang madugo at makasaysayang bakbakan na naganap Huwebes ng gabi sa sellout crowd na 20,000 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Tinitingnang maging Fight of the Year ang labanan ng dalawang kampeon para sa prestihiyosong Muhammad Ali Trophy para sa World Boxing Super Series gayundin ang paghirang kay Inoue bilang bagong unified bantamweight champion mula sa kanyang IBF at The Ring at WBA (Super) title ni Donaire (40-6, 26 KOs).
Ibinigay ng judges ang 117-109, 116-111 at 114-113 unanimous decision victory kay Inoue na nanatiling undefeated 19-0 at 16KOs kung saan tanging sina David Carmona ng Mexico at Ryoichi Taguchi ng Japan ang mga hindi niya tinalo ng knockout, habang ika-apat si Donaire sa mga Filipinong nabiktima kabilang sina Crison Omayao, Jerson Mancio at Warlito Parrenas.
“Donaire was very, very tough for me,” wika ni Inoue mula sa isang interpreter. “I see Donaire as a true champion. He’s very strong but I was victorious. I need to get stronger,” dagdag nito.
Bukod sa pagkamkam ng title belt at trophy, tiyak na mapupuno rin ang bulsa nito matapos pumirma ang 118-lb titlist ng multi-year promotional contract sa Top Rank Promotions ni Bob Arum upang lumaban sa U.S. sa 2020. Tumaas din ang posisyon nito sa pound-for-pound list sa ika-apat na pwesto matapos ang mga kampeonato sa tatlong dibisyon sa junior flyweight, junior bantamweight at bantamweight.





Comments