Gay comedian, pinanindigan daw… Sigaw ng taga-hashtags: Walang lalaking kayang gawin ang ginawa ni I
- Melba Llanera
- Nov 9, 2019
- 1 min read

Sa presscon ng pelikulang Two Love You, agad na idinepensa ni Kid Yambao si Ion Perez sa paratang ng marami na pera at popularidad lang ang habol ng tinaguriang Kuya Escort kaya’t nakipagrelasyon kay Vice Ganda.
Pagtatanggol ng Hashtags member, malayung-malayo ang ibinibintang na ito sa kung sino talaga si Ion at nakikita niya na seryoso at ‘di nito lolokohin ang kanilang Meme Vice.
Ayon din kay Kid, bago pa man naging sina Vice at Ion ay naging kaibigan na niya ang huli at siya pala ang unang kaibigan nito nu’ng nagsisimula pa lang si Kuya Escort sa It’s Showtime.
Saludo si Kid dahil napanindigan ni Ion si Vice at naniniwala siya na walang lalaki na kayang gawin ang ginawa ni Kuya Escort kaya masaya siya sa ginawang pag-amin ng dalawa sa Magpasikat segment ng It’s Showtime.
Bida agad sa pelikulang Two Love You kasama sina Yen Santos at Lassy, kabado at may pressure sa parte ni Kid, pero mas nangingibabaw sa kanya ang saya dahil bukod sa pelikula ay mapapasama pa siya sa seryeng Kapalaran Ko.




Comments