Anak, matapos muntik sagasaan.. Ruru, binantaan ng padir na 'wag nang babalikan si Bianca
- Nitz Miralles
- Nov 9, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Dumalo sa thanksgiving party ng GMA Network na ginawa sa Manila Polo Club noong Thursday night sina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero wala kaming nakitang photo nila na silang dalawa lang at ang nakita namin, photo nila kasama sina Nelson Canlas at Joyce Pring. Sa Ballroom ng Manila Polo Club ginawa ang party at kahit malaki ang venue, mag-iwasan man sila, tiyak na magkakatinginan din lalo na kung hinanap nila ang isa’t isa.
In fairness kay Bianca, kung iba ‘yun na na-involve sa isyu, hindi muna magpapakita sa tao, pero siya, um-attend pa ng party. Hindi lang alam kung kasama ni Ruru ang ama niyang si Bong Madrid na nagalit sa ginawa ni Bianca sa anak na muntik sagasaan sa parking lot dahil sa selos kay Jasmine Curtis-Smith na leading lady ng aktor sa Cara X Jagger.
Ang sabi, sinabihan ni Bong si Ruru na ‘wag nang babalikan si Bianca at ‘pag binalikan pa ang GF, aalis siya sa bahay nila.
Nasa party din pala na Havana Nights ang theme si Miguel Tanfelix na ex ni Bianca. Wala sa pictures na lumabas si Jasmine Curtis-Smith.





Comments