Top 3 finish sa SEAG pakay ng vietnam

Hangad ng koponan ng Vietnam na makuha ang top-3 finish sa delegasyon nitong 856 sa darating na 30th Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa Nob 30-Dis. 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon.
Ito ay alinsunod sa inilabas na kautusan ng Ministry of Culture, Sports and Tourism Decision No. 3541/QD-BVHTTDL na nagsasabing magpapadala ang bansang Vietnam ng naturang bilang ng delegasyon sa pangunguna ni Deputy Director ng General Department of Sports and Physical Training na si Tran Duc Phan bilang head of delegation nito.
Kabilang sa delegasyong ito ang 28 officials, 22 physical therapy technician at 803 experts, trainers at athletes sa Philippine meet ayon sa inilathala ng Nhan Dan Online.
Tiyak na inaasahang pamumunuan ni 2016 Rio Olympics gold medalist Hoang Xuan Vinh ang koponan nito sa shooting events habang kabilang ang track and field, swimming, shooting, gymnastics, weightlifting, taekwondo, archery, judo, cycling, boxing, karate, wushu, wrestling, pencak silat, petanque, football, volleyball, table tennis, tennis, sepak takraw, billiards, badminton, chess, rowing, canoeing, aerobic, diving, artistic gymnastics, handball, golf, jujitsu, muay, arnis, kurash, dance sport, kick-boxing, bowling, sambo, triathlon (swimming-cycling-running), basketball, eSport at stakeboarding sa mga pag-aasam nitong makakuha ng medalya sa pangkabuuang 43 sa 56 sports na nakalaan sa biennial meet.
Hindi makakasali si Asian Games champion Bui Thu Thao sa long jump events dahil sa injuries, ngunit ang koponang Track and Field ang may pinakamaraming ipadadalang miyembro sa 60 katao kabilang ang 46 na manlalaro.





Comments