top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Sibol Esports, 3 gold sa 30th SEAG test event

  • Gerard Arce
  • Nov 8, 2019
  • 1 min read

Isang malaking ‘Victory’ ang nakuha ng koponan ng Sibol E-Sports National Team matapos kunin nito ang lahat ng gintong medalya sa nakalipas na test event para sa 30th Southeast Asian Games, Lunes sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.

Dinomina ng mga pambato ng Sibol National Team ang tatlong events ng kunin nito ang tatlong gintong medalya sa Dota 2, Tekken at ang kinahihiligan ngayong ng nakararaming kabataan na Mobile Legends: Bang Bang na inorganisa ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Dinaig ni top-player Andrei “Doujin” Albar ang kanyang katunggaling Indonesian para kunin ang unang gold medal ng bansa sa pamamagitan ng 3-1 iskor sa Tekken.

Walang nakapigil sa bangis ng koponan ng Cebu-based na Adroit na pinagsasamahan nina MC Nicholson “Mac” Villanueva, Marvin “Boomy” Rushton, Jun “Bok” Kenehara, John Anthony “Natsumi” Vargas, Bryle “CML” Jacob, Van “Van” Manalaysay, at James Erice “Erice” Guerra para kunin ang ikalawang gintong medalya ng bansa sa DOTA 2 finals laban sa Malaysian team via 2-0 sweep.

Ang paboritong laro ng bayan na Mobile Legends: Bang Bang ay patuloy na pinagharian ng mga Filipino bets na sina Jniel-Bata “Haze” Anon, Angelo “Pheww” Arcangel, Allan “Lusty” Castamayor, Karl “Karltzy” Nepomuceno, Kenneth “Kenji” Villa, Carlito “Ribo” Ribo, at Jason Rafael “Jay” Torculas para walisin ang Indonesia, 3-0 para sa huling gold ng bansa.

Ang naturang test event ay nilahukan ng Malaysia, Indonesia at Thailand na ginawa bilang preparasyon sa biennial meet simula Nob. 30-Dis. 11 sa bansa. Magbubukas ang tunay na pagtatapat ng mga ito sa darating na Dis. 5-10 sa parehong lugar.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page