top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Sey mo, Kris? Ex-Mayor Bistek, batang direktor ang kasama sa premiere night ng movie ni Aga

  • Mercy Lejarde
  • Nov 8, 2019
  • 2 min read


Sa red-carpet premiere night ng Viva Films’ NUUK starring Aga Mulach and Alice Dixson na ginanap nito lang Lunes ng gabi sa SM Megamall Cinema one ay kumuha ng videos si yours truly at muntik nang madaganan ang byuti ng lolah n’yo, ‘noh, ‘coz dinumog ng mga faney at sangkatutak na vloggers ang nasabing showbiz event.

And to my surprise, ha­bang busy si ako sa pagkuha ng videos ay may kumalabit sa inyong lingkod. And whoaaa, si ex-QC Mayor Herbert Bautista pala! Pero ‘di kami nakapag-usap ‘coz busy nga sa pagbi-video ang lolah n’yo for my YouTube channel.

Nang rebyuhin ko na sa ba­laysung ang mga videos na kuha ko that night ay tipong curious ako kung bakit mag­kasabay na lumakad sa red carpet si ex-Yorme Bistek at ang director ng Nuuk na si Veronica Roni Velasco, tapos magka­abri­siyete pa sila. Bagay naman sila ‘coz medyo bata pa si Direk Roni at byuti rin naman.

Ang tanong, may something sila? Na puwedeng lagyan ng background music titled Arousing My Curio­sity… yesss, may ganernnn! As in… JUST CURIOUS BUT NOT YELLOW, tsuk pasok!

But on second thought, baka naman kaya nandu’n si Bistek ay para bigyan ng moral support ang kanyang co-Bagets star noon na si Aga Muhlach. Tapos, malamang, sa holding area bago sila um-enter sa red-carpet premiere night ng Nuuk ay napagkasunduan na lang na since tatlo lang ang lead stars of said Viva Films ay ang ex-labs na lang ni Kris Aquino ang ipareha kay Direk Roni at hindi kay Elaine Uy na isa rin sa cast ng Nuuk na gumanap na dalagang dyunak ni Aga sa istorya na may pagka-psycho drama ang arrive.

Well, may saying nga na looks can be very deceiving but action speaks louder than words.

‘Yun na!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page