top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pastor Quiboloy, tinawag na mayabang on-air… Resbak ng brodkaster: Dos, pera-pera lang, Vice, 'w

Ronalyn Seminiano
Nov 8, 2019
2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

After daanin sa biro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang naging pahayag ng religious pastor ng si Apollo Quiboloy tungkol sa lindol, may bumatikos na broadcaster sa gay comedian.

Hinamon ni Vice si Qui­bo­loy na pahintuin ang tele­ser­yeng Ang Probinsyano pati ang matinding traffic sa EDSA kamakailan. Sabi ni Vice, “Napahinto mo pala ang lindol, eh. Napaka­yabang n’yo pala!” at ito ang ikinagalit ng isang broadcaster.

Dahil sa umano’y pang-iinsulto ng comedian kay Quiboloy, on-air, sa programang Usaping Bayan ng DZAR noong Nov. 5, pinasaringan ng broadcaster na nagngangalang Mike Abe ang Unkabogable Star.

Aniya, “Si Vice Ganda… ‘di ko naman maintindihan, pa’no naging ‘Ganda’ ‘yun? Baka siguro Vice lang. Vice K... Oh, bahala na kayo kung ano ‘yung ‘K.’ Pero ‘yung Vice Ganda, hindi naman maganda, eh, lalo na ‘yung sinabi, eh, lalo na ‘yung pagtatawanan.”

Ipinagtanggol ng broadcaster ang controversial religious leader ng Kingdom at pinabulaanan ang akusas­yon ni Vice na mayabang ito.

Ayon sa broadcaster, “Hindi po totoo ‘yung sinasabi ni Vice K na mayabang si Pastor (Quiboloy), hindi ho totoo ‘yun. Kaya sabi ko nga, ‘yung ginawa po ng ABS-CBN, kayong mga taga-ABS, after money lang kayo, after rating lang kayo. ‘Yan pong inyong talent na ‘yan, inyong pagsabihan ‘yan.

“Pasalamat kayo… Sana, hindi ‘yan makasalubong ng mga taong nagagalit sa kanya, baka may paglagyan ‘yang mamang ‘yan. Mama naman ‘yan, hindi naman ho babae ‘yan, eh.”

Sabi pa ni Abe, “At saka alam n’yo, bawal na bawal po sa telebisyon ang mang-insulto ng kapwa kung hindi mo naman kilala. Maliban na lang kung binalikan ka.

“Ako po, puwede ako makipag-usap sa propesyunal na level. Pero puwede rin akong makipag-usap sa bastusang level.”

Kaibigan daw niya si Quiboloy at mataas ang res­peto niya sa nasabing pastor kaya ganu’n na lang ang mga pasaring niya kay Vice.

Tinawag din ng broadcas­ter ang pansin ng MTRCB.

Aniya, “Ang inyo ay negos­yo pero ang hanap­buhay at negosyo, mga kai­bigan, may limitasyon ‘yan. Hindi lahat ng klaseng pata­wa ay naka­katuwa. May mga patawang nang-iinsulto kayo. Huwag po ninyong gawin ‘yun.

“Tinatawagan ko ng pansin ang MTRCB, mag­trabaho kayo. MTRCB chair­man at mga direktor, magtrabaho po kayo. I-monitor n’yo, please, may pera po ang mamamayang Pilipi­no sa operasyon ng MTRCB. I-monitor po n’yo ang lahat ng programa sa telebisyon at ‘yang mga ganyan, huwag po ninyong payagan.”

Aniya pa, si Vice ang nagsimulang mambastos ng taong hindi naman nito kilala. Panawagan pa ng broadcaster, sana raw ay hindi na maulit ang nang­yari. Kinuwestiyon din niya ang ABS-CBN kung bakit daw kinukunsinti ng network ang sinabi ni Vice.

Aniya, “Bakit n’yo kinukunsinti ang ganyang klase ng mga talent? Ano kayo, pera-pera lang?”

After magmura ay sabi pa niya sa comedian, “Vice K, huwag mong gagawin ulit ‘yan at baka masalubong kita at hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko sa ‘yo.”

Binalingan ulit niya ang MTRCB at aniya, “Tinawa­gan ko ng pansin, MTRCB, umaksiyon kayo rito, paglapastangan ito sa industriya ng broadcast.

“Kayo, management ng ABS-CBN, bago kayo magsara sa March 20, 2020, next year, inyong di­sip­lina­hin ang inyong mga talents, hindi ‘yung puro pera-pera lang kayo. ‘Pag may pera, wala na ho ka­yong paki­a­lam sa mundo. Hindi ho ganu’n.”

Samantala, sa ngayon ay tahimik pa rin ang kampo ni Vice hinggil dito.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page