Kung ang ibang artista, nalalaos 'pag 'di na single… Marian, mas dumami ang endorsement nang
- Erlinda Rapadas
- Nov 8, 2019
- 1 min read

Iba ang suwerte ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera kumpara sa ibang female stars na nakasabayan niya. Nang sumikat siya nang husto dahil sa malalaking projects na ibinigay sa kanya ng GMA Network, dumagsa ang maraming offers upang mag-endorse siya ng produkto.
Nang magpakasal si Marian kay Dingdong Dantes, marami ang nagsabing mababawasan na ang kinang ng kanyang career lalo na raw kapag nagkaanak na siya at naging mommy. Tiyak daw na mababawasan na rin ang mga product endorsements niya.
Pero, hindi ‘yun ang nangyari. Pinatunayan ni Marian na iba ang karisma niya sa tao. Sa halip na mabawasan ay nadagdagan pa ang kanyang mga endorsements at this time, kasama na rin sina Dingdong at Baby Zia!
Mas maraming bentahe para kay Marian ang pagiging ina at may bahay. Pati ang mga produkto sa pagluluto ay kinuha siyang endorser at ang renewal niya ngayon ng kontrata sa Beautederm Home ang patunay na in demand pa rin siya bilang endorser.
Malaki ang tiwala ng Beautederm big boss na si Rhea Anicoche-Tan kay Marian Rivera at siya ang itinuturing na prized endorser ng Beautederm Home.





Comments