Bilib na bilib sa galing ng labs mo, Bianca… Jasmine, ipinagsigawang hinding-hindi malilimutan ang
- Nitz Miralles
- Nov 8, 2019
- 2 min read

Nitz Miralles / Bida
Hindi sinasagot ni Ruru Madrid ang comment ng mga followers niya sa Instagram (IG) na nagsasabing mag-iingat siya dahil baka sa susunod, sagasaan na siya ni Bianca Umali.
Dahil ito sa nangyari after ng premiere night ng Cara X Jagger na dahil daw sa selos ni Bianca kay Jasmine Curtis-Smith na leading lady ni Ruru sa movie, muntik niyang sagasaan ang aktor. Mas maganda nga naman kung ‘di na magsasalita si Ruru and let the issue die down.
Kaya lang, mukhang may pagseselosan na naman si Bianca dahil ang ganda ng sinabi ni Jasmine sa aktor sa IG at marami ang nakabasa.
“Today, my thanks are for my leading man @rurumadrid8. Thank you for being an active thinking actor willing to grow and open to learn from every person that gives guidance or situations we encounter. Thank you because you performed so well and with so much honesty. I’m glad you are the Jagger to Cara. Excited to watch you in more film projects!! OKAY! Like Cara, it will be almost next to impossible to forget this experience with you.”
Sinabi ni Ruru na abangan ang post niya, pero hanggang ngayon, wala pa ang hinihintay ng mga fans na appreciation post niya kay Jasmine. May mga nagbiro na baka iniwasan na lang ni Ruru na magselos pa si Bianca.
Pero, kung kailan showing na ang movie nina Ruru at Jasmine, saka ipinost ng aktor sa IG ang publicity photos nila ng leading lady at kahit sa mga litrato, kita na ang kanilang chemistry.
Anyway, bago ang isyu sa premiere night, nakita pa sina Ruru at Bianca sa isang bar, nakunan ng picture na sweet at sobrang dikit at ang sexy ng aktres sa kanyang suot, hindi iisiping selosa siya.





Comments