top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Balang ng Bayan ni: Victor Corral Medina

What's In, Ka-Bulgar
Nov 8, 2019
1 min read

Ang upuang bakal ay kinakalawang,

at nagrurupok na nang aking pagmasdan.

Sa ilan ay tuwa at sa mga hunghang,

lalong simpatiya, sa buktot at haling.

Hindi ba, at ibig n’yong umunlad ang bansa?

Bakit hindi limiin ang palsong ginawa

nang nag-astang hari’t, nagkunwaring kawawa?

Na mas nagpahirap sa aba at dukha.

Uuwi ka sa Hong Kong at huwag kang magsisi,

o ikang napadpad, sa tigang ng Saudi.

Huwag mong akalaing bayan ay mabuti

na ngayon sa hirap lalong nahirati.

Ang mga solido ng kurap at droga,

bakit hindi magising at sila pa ay may tiwala?

Sa nilugsong bayan, hindi pa maniwala

ayaw mag-sitikal sa hindi na tama.

Hindi nila madama ang lungkot ng hirap,

sa Silangang Perlas, taguri ng Pilipinas.

Kapag sila’y naubos, wala nang mangasab,

baka marinig na at ang mura ay mabigkas.

Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-con­fess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA­-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong dam­da­min kaya mag-send na ng personal message sa aming official Face­book page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page