Dating aktor, 'di na yummy, ngarag at humpak ang pisngi… Mayor Isko, ireretoke na ni Belo, binay

Maraming nakakapansin na ngarag at humpak na humpak ang pisngi ni Manila Mayor Isko Moreno. Medyo umitim at gumaspang din ang kanyang kutis. Epekto raw ito ng kakulangan sa tulog at pahinga, stress at pagod dahil sa dami ng gusto niyang gawin para sa Lungsod ng Maynila.
Siguro, napansin din ito ni Vicki Belo kaya naman kinuha niya si Yorme Isko na mag-endorse ng Thermage treatment. May TF na P2 M si Mayor Isko bilang endorser ng Belo at ang talent fee na ‘yun ay kanyang idinoneyt sa mga biktima ng lindol sa Cotabato at Davao.
Nakakatuwa dahil maging ang Belo Clinic ay nag-donate rin.





Comments