Wanted na holdaper nasakote
- Pabs Hernandez III
- Nov 6, 2019
- 1 min read
Nueva Ecija—Arestado ang isang wanted na holdaper kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Sto. Rosario Old, Zaragosa.
Ang suspek ay kinilalang si Cristobal Ducusin, pansamantalang naninirahan sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng pulisya si Ducusin sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinahaharap nitong kasong robbery sa lalawigan.
Nabatid na impormante ang nag-tip sa pulisya sa kinaroroonan ni Ducusin kaya agad itong pinuntahan ng mga awtoridad at inaresto ang suspek.
Kusa namang sumama sa pulisya ang suspek nang dakpin ito sa naturang lugar.





Comments