top of page
WINNER - DEREK- ‘DI AKO NAGDA-DRIVE NG CAR NA MAY FAKE PLATES_IG _ramseyderek07.jpeg

Horoscope | Nobyembre 6, 2019 (Miyerkules)

  • Maestro Honorio Ong
  • Nov 6, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Nobyembre 6, 2019 (Miyerkules): Habang lumalakad ang panahon, bumibilis din ang ikot ng Gulong ng Ka­palaran kung saan dadal­hin ka nito sa lugar na maaabot mo na ang iyong mga pangarap.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Talas at bilis ng isip ang iyong kailangan, ito ay para hindi ka mauna­han ng iyong mga kalaban. Muli, talas at bilis ng isip ang iyong kailangan sa araw na ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-20-38-40-46.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maaaring hindi mo ma­pansin ang ma­gagandang oportunidad sa iyong harapan kapag ang isip mo ay nakatutok sa ibang bagay at hindi para­an para madagdagan ang iyong yaman. Masuwer­teng kulay-pink. Tips sa lotto-1-19-20-26-41-44.

GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang mga araw pang darating. Ga­win mo na ang anumang gusto mong gawin dahil hindi kokontra sa iyo ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-beige. Tips sa lotto-3-9-12-17-28-30.

CANCER (June 21-July 22) - Maaakit ka nang husto sa mga masa­sa­rap kausap at ang mga sinasabi ay may kabuluhan, pero kapag kayo ay nagta­gal, malalaman mo na ang palasalita ay hanggang sa­lita lang. Masuwerteng ku­lay-blue. Tips sa lotto­-15-16-31-32-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hu­wag mong ipa­halata na hina­hanap-hanap mo ang lumayo sa iyo. Hu­wag mo rin ibisto na may kailangan ka pa sa kanya dahil ang lumayo ay dapat nang burahin sa isipan at puso. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-14-17-20-24-26.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malambot ang damdamin mo ngayon. Maba­ba­wasan ang iyong kabu­ha­yan dahil sa iyong kabaitan. Gayunman, papalitan ng la­ngit nang doble-doble ang mawawala sa iyo. Masuwer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-18-28-37-40-45-46.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mabilis at hin­di mo mama­ma­­layan na ba­go ang iyong buhay. Ito ang ma­agang regalo sa iyo ng langit sa iyong matagal nang hiling na makatakas ka sa iyong kasalukuyan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-17-21-24-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdag­dag ka at hu­wag kang mag­bawas. Ito ang tunay na susi sa pagpapayaman at ang susi sa kahirapan ay ang pag­babawas at hindi nag­da­rag­dag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto­-11-18-27-30-41-43.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpa­pa­tangay sa ma­gastos na pagsasaya dahil ang kasunod nito ay kalung­kutan. Piliin mo ang sim­pleng buhay dahil ito ang tunay na sikreto ng mayayaman. Masuwer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-15-16-20-21-23-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mali ang ini­isip mo na mag­tipid sa araw na ito. Hihina ang ka­lusugan mo at sa huli ay mas marami kang maga­gas­tos. Kumain ka nang maayos. Ito ang mensahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-15-27-33-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mangya­yari sa iyo dahil hindi mo gagamiting mabuti ang isipan mo, pero ang mga su­werte ay makukuha mo. Mag­pasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-23-39-40-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mawawala ang kaba mo dahil tatalunin ng ka­gustuhan mong makuha ang matagal mo nang pina­pa­nga­rap. Simula ngayon, matu­tuto ka nang talunin ang iyong pag-aalinlangan. Ma­su­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-11-14-17-18-20.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page