Gilas, nasubok ang kahandaan sa SEAG, tinalo ang Alab PHL

Nasubukan ang katatagan at kabuuan ng koponan ng Gilas Pilipinas ng manaig ito laban sa Alab Pilipinas team sa iskor na 98-95, lunes ng gabi sa isang closed-door tuned up game sa Meralco Gym sa Pasig City.
Pinamunuan ni PBA multi-titlist at 5-time MVP Junemar Fajardo ang suwabeng atake ng Gilas squad sa 21 puntos habang tumulong si RR Pogoy na may 15 markers upang gapiin ang dating ASEAN Basketball League champion na binayayaan lang ng 16 puntos ng National team sa second quarter.
Nasaksihan ding maglaro sina Chris Standhardinger, Japeth Aguilar, Chris Ross, Matt Wright, LA Tenorio, Stanley Pringle, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Greg Slaughter, Art dela Cruz at Scottie Thompson laban sa Jimmy Alapag coached Alab team na muli nilang kakaharapin sa susunod na Lunes.
Nagrehistro si Louie Vigil ng 18 puntos para sa Alab Pilipinas habang nagdagdag si Brandon Rosser ng 17 puntos. Ang naganap na laro ay bilang preparasyon ng bansa para sa 30th Southeast Asian Games na magbubukas simula Nob. 30-Dis 11 sa iba’t ibang panig ng Luzon ngayong taon.
Samantala, muling babalik sa line-up ng Gilas Pilipinas si Kiefer Ravena bilang kapalit ng na-injured na si Jayson Castro.
Ayon sa isang report, kinumpirma ni Gilas Head Coach Tim Cone ang pagkakasama ni Ravena sa 15-man line up matapos aprubahan ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang pagkakalagay nito sa National Team. Sa naturang laro ay nanood lang si Ravena na pinalitan si Castro dahil sa natamong minor strain sa kanang Achilles nito sa kasagsagan ng laro ng koponan ng TNT sa PBA Governors Cup.
Sakaling mapabilang sa final 12-man line up, maaaring makuha ni Ravena ang ikalimang sunod na gintong medalya sa biennial meet na aarangkada simula Dis. 5-10 sa Mall of Asia Arena.





Comments